Narito ang mensahe ni presidential candidate Isko Moreno sa nalalapit na pahayag ng Iglesia Ni Cristo mamayang gabi sa kung sino ang i-eenderso ng Iglesia na iboboto bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa Mayo 9,2022.
“Ipinagpapa-salamat ko sa Iglesia ni Cristo, nakasama ko sa maraming pagkakataon nakasama ko ang Iglesia. In fact ang panawagan ko sa ating mga kapatid natin sa Iglesia, kung anuman ang magiging desisyon ng ating taga-pamahalang pangka-lahatan, ng Ka Eduardo, mga kapatid, sumunod kayo kase yun ang aral. Kase kailangang patuloy tayong sumunod sa mga aral at tagubilin ng taga-pamahala.
Ayan ang panawagan ko. Kase dyan tumibay, dyan lumaki, dyan nakilala hindi lang sa Pilipjas kung hindi sa buong mundo ang Iglesia ni Cristo. These are the things that you value. You value such leadership. Kaya sa mga kapatid po natin sa Iglesia Ni Cristo, sumunod po tayo sa tagubilin ng taga-pamahalang pangka-lahatan, ng Ka Eduardo. At kung ano ang mapagkaisahan at napagpasyahan, sundin natin. Yun ang akin dyan.
And I will respect that with all honesty, with all my heart. Because at some point in my life, ako naman din itinaguyod ng mga kapatid natin sa Iglesia at bingyan din ako ng pagkakataon ng Ka Eduardo, sa maraming laban ko sa buhay. So, life must go on but we must continue to listen and heed to the call ng ating taga-pamahala ng pangka-lahatan ng Ka Eduardo.”

Average Rating