Breaking News

Libo-libong Ka-TM achieved ang dasurv na TM FunPasko Party!

0 0

Achiiiieeeve ang grand Christmas celebration na dasurv ng mga Ka-TM sa ginanap na TM FunPasko Party sa Dumaguete City noong December 10, 2022!

Mahigit na 18,000 na Dumagueteño ang pumuno sa Provincial Oval sa Kagawasan Freedom Park at mahigit 10,000 na Ka-TM across the Philippines naman ang naki-join sa fun online via TM Tambayan livestream. Talagang PAWER at punong-puno ng GV moments ang TM FunPasko Party kung saan nakikanta, nakipaglaro, at nakipagkulitan ang mga Ka-TM sa mga paborito nilang TM Ambassadors.

“Nakakatuwang makita ang mga Ka-TM natin na magkakasamang mag-celebrate ng Pasko! Dasurv na dasurv nilang makabawi sa good vibes na na-miss natin ng dalawang taon,” ani Bea Lacson, TM Brand Head. “Kaya tuloy-tuloy ang TM sa pagdala ng pawer na experiences katulad ng TM FunPasko para siguradong laging puno ng good vibes ang lahat lalo na sa pinaka importanteng okasyon gaya ng Pasko.”

Pawer na Performances
As expected sa TM artists, bigay na bigay ang bawat performances. Naging pawer na show starter ang birit at dance moves ng P-pop girl group na KAIA. Di rin nag pahuli si Matthaios mag vibe check sa mga ka-TM habang kinakanta ang hit single n’yang “Binibini x IWYB.”

Sa TM FunPasko Party rin first time kinanta ng live ng Filipino pop rock band na The Juans ang kanilang latest single, “Di Mo Na Ako Kailangan”, na talaga namang nagpalabas ng maraming feelings sa mga Ka-TM. At syempre, lahat ay napakanta at napasayaw sa solid at pawer na vocals at dance moves ng popular P-Pop Idols na SB19.

Pawer na Newest Additions sa TM Family
To keep the get-to-together even more fun, sa TM FunPasko Party winelcome ng TM ang newest ambassadors nito na sina multi-hyphenated siren, Maris Racal, at darling actress na si Francine Diaz. Kinumpleto nila ang ambag na more good vibes at kulitan dahil marami silang baong surpresa para sa lahat.

Pawer na Christmas Party Games at Raffle
At dahil hindi pwedeng mawala ang palaro sa mga Christmas parties, game na game na nag participate ang mga TM Ambassadors sa palaro na pinagawa nina Alden Richards at local host na si Dani Gaston.

Kasali sa Red Team sina Carl Guevarra at RJ Cruz ng The Juans; Charice, Angela, at Alexa ng KAIA; Arshie Larga; Matthaios; Albert “Asian Cutie” Nicolas; at Pablo at Justin ng SB19. Habang hindi naman nagpatalo ang Blue Team na binubuo nina Maris Racal; Baninay; Seth Fedelin; KAIA members Sophia and Charlotte; SB19 members Seth, Ken, at Josh; at sina Japs Mendoza at Chael Adriand ng The Juans.

Nilabas ng mga TM ambassadors ang kanilang competitiveness sa paglalaro ng TM FunPasko version ng charades at Guess the Music. Dito rin nasaksihan kung paano naging Christmas tree sina SB19 Pablo at Ken na nag-trending online noong gabi.

May four winners din ng P25,000 GCash raffle prizes na makakatulong para lalo pang mai-enjoy ng mga Ka-TM ang kanilang Pasko.

“Ang TM FunPasko ay isang pasasalamat sa lahat ng aming Ka-TM para sa patuloy nilang pagsuporta. We’re just closing the year strong pero they can already look forward sa marami pang pawer ganaps na dadalhin namin next year para tuloy-tuloy ang dasurv nilang good vibes araw-araw, dahil basta TM, pawer yarn!” sabi ni Lacson.

Para sa tuloy-tuloy na TM updates, i-follow lang ang TM Tambayan sa lahat ng social media pages, dahil dasurv ang good vibes sa TM!

Anonymous

About Post Author

Admin - Metropoler

Metropoler is a social media-centric news website in the Philippines that covers the intersection of financial, business, media, tech, science, tourism, food, entertainment, art, politics, and culture launched on June 1, 2020.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: