Breaking News

Leni Robredo: 15 Best quotes from TAYO ANG LIWANAG: Isang Pasasalamat

Leni Robredo: 15 Best quotes from TAYO ANG LIWANAG: Isang Pasasalamat

The Ateneo de Manila University hosted a Thanksgiving Party tonight, May 13. The Team Leni-Kiko event is themed “TAYO ANG LIWANAG: Isang Pasasalamat.” This is likely to be Vice President Leni Robredo’s final public appearance before her family departs for a week-long vacation abroad.

Here are the 15 best quotes from the event.

“Hindi pwede na tayo pa ang magiging dahilan ng ating pagkaka-watak watak.”

“Habang lumilinaw ang mga litrato, kailangan tanggapin natin na hindi naaayon sa atin ang resulta ng eleksiyon. Kailangan tanggapin natin ang desisyon ng mayorya.”

“Maaaring naghari ang makinarya ng kasinungalingan pero tayo lang ang makakasagot kung hanggang kailan ito maghahari.”

“Alam ko na marami pa tayong lakas na ibubuhos. Itutuon ko ang enerhiya ko sa paglaban ng kasinungalingan at hinihiling ko na samahan ninyo ako. Kailangan natin ng isang kilusan na magtatanggol ng katotohanan.”

“Hinding-hindi dapat pumanaw ang diwa ng ating kampanya. Ang pinakalayunin ng gobyernong tapat ay pag-angat ng buhay ng lahat.”

“Inaanunsyo ko ngayon ang target natin. Sa unang araw ng Hulyo, ilulunsad natin ang Angat Buhay NGO.”

“Tuloy tayo sa pagtungo sa mga nasa laylayan.”

“Pero hindi tayo mamimili ng tutulungan. Wala tayong tatalikuran. Ipapakita natin ang buong pwersa ng radikal na pagmamahal.”

“Eto ngayon ang hamon sa atin, ang panatilihing nakarugtong ang ating mga bisig.”

“Sa inyong lahat, maraming maraming salamat. Nag-uumapaw po ang puso namin sa pasasalamat dahil sa inyong pagmamahal at suporta.”

“Excited ako na ituloy ang pagsisikap na kasama kayo. At sinasabi ko sa inyong lahat, tuloy ang pag-asa. May liwanag pa rin. Ang totoo, lalo pa itong tumimindi. Lalo pa itong lumawak.”

“Hindi tayo nabigo. Masasayang lang ang ating pinag-sikapan kung titigil tayo at babalik sa dating kalakaran. Ang namulat, hindi na muling mapipikit.”

“Tignan ang inyong katabi. Yakapin sila kahit hindi sila kakilala.”

“Hindi nagtatapos ang araw na ito kundi tanda ito ng pagsisimula ng bagong kabanata.”

“Diretso lang tayo para mas marami pang matanglawan na iba. Kaya tara na. Ituloy na natin ang laban para sa Pilipinas, ng ating mga pangarap.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

%d bloggers like this: